Inaasahang madadagdagan ang alokasyon ng bakuna kontra corona virus disease para sa mga batang edad lima hanggang labing isang taong gulang sa Olongapo City.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, sa susunod na linggo ay posibleng madagdagan pa ang alokasyon.
Marami na umano kasi ang nagparehistro na online kung saan umaabot na ito ng mahigit 7,400.
Higit tatlong libo sa mga ito ay naturukan na ng first dose habang nasa isanlibo na ang fully vaccinates.
Sa ngayon ay tinatanggap na ng Local Vaccination Operations Center ang walk-ins para sa nasabing age group basta’t nakarehistro online.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
