Mga negosyo sa SBFZ inaasahang makakabawi na sa darating na Holy Week

Inaasahang makakabawi na sa darating na Semana Santa ang mga negosyo sa Subic Bay Freeport Zone.

Kabilang dito ang mga hotel, accommodation establishments, kainan at iba pa.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ayon kay SBMA Tourism Manager Jem Camba, base sa kanilang monitoring ay nasa 80-90% na ang bookings ng mga ito.

Maliban dito ay mayroon ring ilang mga naka-schedule na events sa Subic Bay at maging mga sporting events.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa unti-unting pagbabalik ng tourism industry ay malaking tulong rin sa pagbangon ng ekonomiya sa bansa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Ituloy ang heabthylifestyle lalo na ngayong may pandemya! 1 Power Cells 6in1 Salabat Herbal Mix Ginger Brew Û.a www.powercells.ph'