Lagpas na sa isang milyong indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa CALABARZON Region.
Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH-4A, nasa kabuuang 1,000,032 ang nakatanggap na ng atleast first dose ng bakuna.
Ang mga ito ay kabilang mula sa A1 hanggang A5 vaccine priority groups.
Mula sa nasabing bilang, nasa 257,000 ang fully vaccinated habang ang mahigit 742,000 ay nakatanggap pa lang ng unang dose ng bakuna laban sa naturang sakit.
Pinakamarami sa mga naturukan sa rehiyon ay ang mga kabilang sa A2 category o yung mga senior citizens na nasa 392,797.
Samantala, umaabot na sa mahigit 1.57 milyon ang alokasyon ng covid-19 vaccines sa rehiyon.