LEGAZPI-Kinumpirma ng PNP Regional Health Service, na aabot sa 86.24% o 9,592 na miyembro ng pulisya sa Bicol Region ang nabakunahan na konra Covid-19.
Aabot sa 2, 849 na ang fully vaccinated at 6, 743 naman ang nakatanggap na ng 1st dose.
Ang mga fully vaccinated ay kinabibilangan ng 886 na miyembro ng PNP sa Albay; 519 sa Camarines Sur; 421 sa Sorsogon; 286 sa Masbate; 270 sa Cam Norte; 79 sa Naga; at 59 sa Catanduanes.
Habang ang mga nakatanggap na ng first dose ng bakuna sa Albay ay umabot na sa 713; sa Camarines Sur ay 667; Camarines Norte ay 681 ; Catanduanes 679; Sorsogon 632; Masbate 854 at Naga 633.
Samantalang inaasahan na sa lalong madaling panahon ang lahat ng kawani ng PNP sa Bicol ay mabibigyan na rin ng bakuna bilang isa sa pangunahing hakbang upang patatagin ang pwersa habang isinasagawa nito ang iba’t ibang aksyon sa pagbibigay lunas at solusyon sa problemang pang kalusugan sa bansa.
Sa talaan ng PNP, 33, 572 ang kabuoang kaso ng COVID-19 nationwide kung saan 33, 885 dito ay gumaling na at 108 ang nasawi.