SORSOGON CITY – Isa ang patay habang apat ang sugatan sa isang self-accident na naganap sa boundary ng Sitio Cagdagat at Barangay Trece Martires sa bayan ng Casiguran sa lalawigan ng Sorsogon.
Base sa report, tinatahak ng van ang kahabaan ng Maharlika Highway mula Maynila at patungo sana ng bayan ng Bulan.
Sinasabing nakatulog ang drayber ng van na si Jonas Dalogdog Concha, 28 anyos, binata at residente ng San Mateo, Rizal na naging rason upang kainin nito ang kabilang kalsada at sumalpok sa concrete barrier at humampas pa sa kalapit na nakaparadang motorsiklo.
Sa ngayon, nasa ospital pa rin ang mga pasahero matapos ang aksidente habang hindi pa rin ipinapalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
