Inihayag ngayon ni Sheen Breva De Leon, ang nurse II ng Rural Health Unit (RHU) ng Tiwi ay nailipat na ang lahat ng mga nagpositibo sa Corona Virus Disease (COVID) 19 sa mas malaking Temporay Treatment Monitoring Facility sa Barangay Libjo ng nasabing bayan.
Ayon kay De Leon, mas pinalawak ngayon ang bagong quarantine facility para sa mga nagpopositibo sa covid 19. Aabot sa 60 individual ang capacity ng nasabing pasilidad. Aniya, tanging ilalagay lamang sa pasilidad ay mga suspek, probable, asymptomatic, mild symptoms at confirmed cases lamang.
Ang pagpapalawak o pagpapalaki ng Temporay Treatment Monitoring Facility ay dahil sa biglang pagdami ng kaso na nagpositibo sa covid 19 nitong nakaraang buwan. Sa ngayon ay nasa 11 ang nagpositibo sa nasabing sakit kung saan ay walo ang nasa quarantine facility at tatlo rito ay nasa ospital.
Pakiusap ngayon ng LGU sa mga residente na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at sundin lamang ang ipinatutupad na health protocols laban sa covid 19.