Active Covid-19 cases sa Sorsogon, bumababa na

SORSOGON CITY—Sa kabila ng naitalang tatlong mga panibagong kaso kahapon, patuloy na sa pagbaba ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa datos na inilabas ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO), mula sa 52 noong nakatalikod na araw ay 47 na lamang ang active cases ng sakit sa kasalukuyan.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Sampung mga pasyente rin ang nakarecover kung kaya umabot na sa 8,159 ang total recoveries.

Sa kabuuan  8,683 na ang cumulative cases ng Covid-19 sa lalawigan habang nananatili naman sa 477 ang mga nasawi dahil.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Mababatid na bago ito ay halos pataas ang trend ng mga naitatalang nagpopositibo sa sakit sa lalawigan hanggang nitong pagpasok ng Agosto.#