167 COVID cases sa Albay, naitala makalipas ang isang linggo

LEGAZPI CITY – Umabot sa 26.68% o 167 na mga kaso ng COVID-19 ang nairehistro sa lalawigan ng Albay makalipas ang isang linggo o mula July 31 hanggang August 6 base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Bicol.

Ayon kay Dr. Maita Bobis, 51 kaso ang naitala sa Legazpi City, 35 sa Daraga, 18 sa Manito, 10 sa Tiwi, parehong 9 sa Tabaco at Santo Domingo, 7 sa Ligao, 5 sa Camalig, Guinobatan at Malinao, 4 sa Malilipot, 3 sa Bacacay at Libon, 2 sa Polangui, habang 1 naman sa Oas.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes
Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Ang bilang ng mga bagong kaso ng naturang sakit ay mas mababa kumpara sa nakaraang linggong record.

Kung matatandaan, 142 COVID cases ang naitala sa Albay mula July 24 hanggang July 30 o katumbas ng 27.57%.