3 patay sa pamamaril ng armadong grupo sa Surallah

KORONADAL CITY — DEAD on the spot ang tatlo katao sa nangyaring pamamaril kagabi sa Sitio Colombasinong, Barangay Colongulo, Surallah, South Cotabato.

Kinilala ng Surallah PNP ang mga namatay na sina Juan Diangco Pidoy, 44 anyos, may asawa; Mark Anthony Laureño Pidoy, 22 anyos, binata, kapwa mga minero at residente ng nabanggit na lugar at Jason Oga Mangumpaos, 32 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente naman ng Barangay K’matu. T’boli, South Cotabato.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa mga otoridad, nag-iinuman ang tatlo sa pamamamahay ni Juan Diangco Pidoy nang biglang dumating ang mga armadong kalalakihan na pawang naka-itim at naka-bonnet.

Tatakas pa sana ang mga biktima ngunit pinagbabaril na ang mga ito na naging dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nagpakilala din umanong mga miyembro ng PDEA ang mga suspek.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 20 basyo ng bala ng umano’y kalibre 45 na baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang follow-up investigation ng Surallah PNP sa insidente.