KORONADAL CITY- NASA 160 na ng 199 barangays sa lalawigan ng South Cotabato ang naideklarang drug cleared ng Regional Oversight Committee on Drug Clearing program.
Ngunit ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency ukon PDEA 12 regional director Naravy Duquiatan na sa naturang numero, 10 lamang ang nakapanatili ng kanilang drug cleared status.
Napag-alaman na bawat quarter, nagsasagawa ang oversight committee ng monitoring, assessment at validation sa mga drug cleared barangays upang masuri kung na-maintain ng mga ito ang kanilang estado.
Inihayag ni Duquiatan na ngayong taon, tututukan nila ang validation at retention ng mga drug cleared barangays.
Kabilang sa mga parameters ng assessment ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information programs at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.
Samantala, 30 mga barangay ang nananatiling apektado ng iligal na droga sa South Cotabato.
Walo sa mga ito ay nasa Sto.Niño; 7 sa Polomolok; tig-lima sa Koronadal at Lake Sebu; tig-dalawa sa Banga at Tampakan; at isa sa T”boli.
Siyam na mga barangay naman ang unaffected.
