30 kababaihan kabilang sa Hands-on Training ng BFAR

Lumahok sa Hands-on Training on Fisg Processing ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang tatlumpung kababaihan sa New Cabalan, Olongapo City.

Ang mga ito ay mula sa Nay Stella Farmers and Fisherfolks of New Cabalan Association.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Pinangunahan ng mga kawani ng Fisheries Post-harvest and Marketing Division (FPHMD) ang pagsasanay kung saan kanilang itinuro ang mabusisi at wastong proseso ng fish smoking, deboning at bottling.

Layon nitong maitaas ang kalidad at halaga ng mga produktong isda na kanilang ikinakalakal.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Samantala, tumanggap rin ang samahan ng isang unit ng smoke house at mga aparato upang kanilang magamit.//Jennifer Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BFAR Central Luzon