Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na may nanalo ng P401 million prize ng Grand Lotto 6/55 sa draw na ginanap noong Sabado ng gabi.
Ang lone bettor ay makakakuha ng P401,186,804.80, matapos tamaan ang winning combination na 02-18-49-07-19-47.

Samantala, may isa pang lucky bettor ang nakakuha ng tamang kombinasyon na 27-18-26-13-02-03 para sa Lotto 6/42, at siya naman ay makakakuha ng P5,940,000.00.
Ang lottery winnings ay subject sa 20% na buwis, alinsunod sa probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law. //MHEL PACIA