1 patay, 10 sugatan dahil sa tornado sa Netherlands

Nasawi ang isang residente sa bahaging timog ng Netherlands dahil sa tumamang tornado o buhawi doon habang nasa 10 pa ang nasugatan.

Ayon sa website ng Zeeland Veilig, patuloy na nagsusumikap ang emergency services upang malaman ang lawak ng pinsala.

Read More:  Over 1,500 residents still in evacuation centers two months after Kumamoto earthquake in Japan

Sinabi naman ng Royal Netherlands Meteorological Institute (KNMI) na nasa 75 kilometers per hour ang lakas ng hangin ng manalasa ang naturang buhawi.

Read More:  20 bodies recovered from sunken ferry in Indonesia; 115 remain missing

Samantala, inihayag ng KNMI na bibihirang magkaroon nito sa nasabing bansa at karaniwan umano ito sa mga buwan ng summer. (ARGIE ERGINA)