Dalawang mangingisda arestado matapos na mahulihan ng pinutol na Bakawan

SORSOGON CITY – Arestado ang dalawang mangingisda matapos na mahulihan ng mga pinutol na mangrove tree o ‘bakhaw’ (bakawan) sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Alvin Balsamo Del Rosario, 51-anyos at Rolando Espedillon Dongaban, 32-anyos parehong may kinakasama at kapwa naninirahan sa Brgy Cogon ng nasabing bayan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon sa hepe ng PNP-Gubat na si PMaj Jose Arnel Geronga, ang pagkahuli sa mga suspek kaninang alas 6:00 ng umaga ay resulta ng kanilang ‘intelligence driven operations’ vs illegal logging.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 na pirasong putol na ‘bakhaw’ na nagkakahalaga ng P600.00.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa section 43 ng PD 705 o Forestry Code of the Philippines.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon