Portugal, pabibilisin ang visa issuance para maka-enganyo ng mas maraming manggagawa

Pabibilisin ng bansang Portugal ang kanilang visa issuance para maka-enganyo ng mas maraming manggagawa doon.

Bukod dito, ito ay para din sa mga Portuguese-speaking countries, university students at digital nomads.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Ayon kay Parliamentary Affairs Minister Ana Catarina Mendes, ginawa na ang bagong visa type o work-seeker visa kung saan mas papadaliin ang pagkuha nito.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Samantala, humaharap ngayon ang naturang bansa sa labor shortages lalo na sa hospitality at tourism industries. (ARGIE ERGINA)