19th Congress, posibleng itake over ang Pharmally mess probe

Posibleng hawakan ng susunod na Kongreso ang ilang crucial issues, na bigong maresolba o hindi nakausad sa 18th Congress.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, kailangan na muling buksan ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceuticals Corp., matapos na bigong makakuha ng approval sa plenaryo ang draft report ng Blue Ribbon Committee sa 18th Congress.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Samantala, sinabi naman ni Pimentel na muling ihahain niya ang panukala na humihiling ng imbestigasyon kaugnay sa kabiguan ng Bureau of Internal Revenue na makolekta ang mga unsettled estate taxes ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa ngayon, pending ang naturang resolusyon sa committee level, simula nang maihain ito noong Marso. //MHEL PACIA