Positibo si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa posibilidad na makiisa sa minorya sa 19th Congress sina Senator Pia Cayetano at Senators-elect Alan Peter Cayetano at Francis Escudero.
Ayon kay Pimentel lima mula sa 24 na mambabatas ang maximum na posible niyang makuha.
Kaugnay nito, hindi pa naman nagbibigay ng komento si Escudero at Pia Cayetano hinggil dito, habang si Alan Peter Cayetano ay una nang sinabing hindi pa siya nakapagdesisyon kung sasama sa majority o minority bloc sa Senado.

Matatandaan na una nang sinabi ni outgoing Senate Minority Leader Franklin Drilon, na ang pagbibigay ni Pia sa chairmanship ng Senate committee on ways and means kay re-elected Senator Sherwin Gatchalian sa 19th Congress, ay indikasyon na sasama ito sa minority.
Batay kasi sa tradisyon, ang miyembro ng majority ang hahawak sa chairmanship ng major committees, gaya ng ways and means panel, kasunod ng principle ng equity ng incumbent. //MHEL PACIA