DICT, umaasang lalarga na ang Starlink sa huling kuwarter ng taon

Umaasa ang Department of Information and Communications Technology o DICT na maguumpisa na ang operasyon ng Starlink sa Pilipinas bago matapos ang taon.

Sa isang panayam, sinabi ni DICT acting secretary Emmanuel Rey Caintic na posibleng sa huling kuwarter ng 2022 ay lalarga na ang internet services ng Starlink.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa ngayon aniya ay inumpisahan na ang pagpapatayo ng mga ground station nito kung saan mare-relay ang kanilang internet connection.

Matapos nito, posible aniyang sa susunod na taon ay maging fully-operational na ito at magiging available na sa mga lugar na mahirap ang connectivity at access sa internet.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Inaasahan ng DICT na malaki ang maitutulong nito para magkaroon ng ‘option’ ang mga Pilipino sa mabilis na internet dahil aabot ng hanggang 200mbps ang average speed nito.
#