Mambabatas, planong buhayin ang death penalty sa susunod na Kongreso

Tiniyak ni Senador Bong Go na muli nitong isusulong sa susunod na Kongreso ang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Sa isang panayam, sinabi nng mambabatas na sa pagpasok ng 19th Congress, ihahain nito ang panibagong Senate Bill para sa re-imposition ng death penalty para sa mga karumaldumal na mga krimen at mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at pandarambong.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Aniya, tila-magkakakonekta raw kasi ang mga heinous crimes at iba pang mga krimen.

Kung hindi umano natatakot ang isang taong lulong sa iligal na droga na gumawa ng krimen, malamang ay babalik ang karahasan sa mga kalsada.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Giit pa nito, sakali man kasing maging talamak na naman ang iligal na droga at kriminalidad sa bansa – tila mawawalan na raw ng saysay ang mga napagtagumpayan ng Duterte administration.

Muli ring umapela si Go sa susunod na administrasyon na dapat ipagpatuloy ang mga anti-criminality at illegal drug war na sinimulan ni outgoing President Rodrigo Duterte.
#