Malakihang umento sa presyo ng produktong petrolyo, asahan na sa susunod na linggo

Asahan na naman ang panibagong round ng big-time na umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry sources, posibleng tumaas ng P5.81 hanggang P6.60 ang presyo sa kada litro ng diesel.

P2.62 hanggang P2.80 naman ang maaaring umento sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Samantala, P4.49 hanggang P5.30 ang price hike sa kada litro ng kerosene.

Ayon kay Department of Energe Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, sa kasalukuyan ay mayroong tatlong mga malalakihang global events ang nakaaapekto sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Kabilang na rito ang ban sa langis na ipinataw ng EU sa Russia; pagluuwag ng lockdown sa China; at ang pagtaas ng demand ng langis sa northern hemisphere countries dahil sa papasok na summer.
#