Overhaul sa PhilHealth, iminungkahi ng mambabatas

Umaasa si House Ways and Means commitee chairperson Albay Rep. Joey Salceda na pagtutuunan ng pansin ni President-elect Bongbong Marcos ang problema sa PhilHealth.

Sa isang pahayag, umapela si Salceda sa susunod na administrasyon na sana raw ay baguhin na ang sistema sa state insurer ng bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Inihain ni Salceda ang House Bill 7578 o ang PhilHealth Reform Act na layong magkaroon na ng reporma at overhaul sa tanggapan.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Nakasaad din sa panukala na gawing P100 kada buwan lamang ang premium ng mga OFWs at mga minimum wage earners.

Samantala, iminungkahi rin ng mambabatas na dapat ay gawin nang PhilHealth Board Chairman ang Kalihim ng Department of Finance.
#