Arestado ang isang Kapitan at mga anak niyo matapos masamsaman ng mga baril at mga bala sa Barangay Buyon, Cauayan City sa isinagawang operasyon ng Cauayan City Police Station.
Isinilbi ng mga kawani ng PNP at SWAT sa lunsod ang Search Warrant kay Barangay Captain Jessie Eder Sr. na inisyu ni Executive Judge Reynaldo Aumentado ng RTC Branch 20 ng Cauayan City.

Bukod dito, ay naaresto rin si Jessie Eder Jr, 33-anyos, may asawa, isang magsasaka at Rogie Eder na kapwa residente sa naturang barangay.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLT. Scarlette Topinio ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, narekober ang tatlong pirasong kalibre 45, apat na pirasong magazine ng caliber 45, isang pirasong irpovised caliber 22, dalawang pirasong improvised shotgun, slingbag, empty magazine ng M16 RIFLE, isang grenade launcher, hand grenade at black holster, isang pirasong caliber 38 revolver at mga bala pa ng mga nakumpiskang baril.


Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at RA 9516 na ngayo’y nasa pangangalaga na ng PNP Cauayan.
Napag-alaman na ayon sa barangay kapitan na ginagamit umano ng mga barangay tanod ang mga nakumpiskang baril sa kanilang mga pagrorondo upang matiyak ang seguridad ng kanilang nasasakupan.(BNFM CAUAYAN CITY)
#