Mangingisda natagpuang wala ng buhay sa karagatang sakop ng Baras, Catanduanes

BNFM BICOL – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang mangingisda sa karagatang sakop ng Baras sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si Pacifico De Sevilla Jr. 50 anyos residente ng Brgy. Putsan ng nasabing bayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Huli umanong nakitang buhay ang biktima nitong May 8 at nagtungo ito sa laot partikular sa Kalapan Bay para mangisda sakay ng kanyang bangka na kung tawagin ay “sibid-sibid ngunit lumipas ang mga araw ay hindi na ito nakabalik pa sakanyang pamilya.”

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa tulong ng mga rescuers sa lugar at ng MDRRMO-Baras, nakita ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa dagat kasama ang huli nitong mga isda sa porsyon ng karagatan sa Brgy. Salvacion na mayroong 500 metro ang layo mula sa residensya nito. ###