1 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Rizal

Dead on arrival ang isang 24 anyos na si Timmy Lope Jacobo sa nangyaring aksidente ganap na 3:10 ng hapon nitong Miyerkules, May 11, 2022 sa Barangay Puntabaja, Rizal Palawan.

Sugatan naman ang kasama nito sa sasakyan na si Emilio Cabitac Tibangin 27 anyos.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa imbestigasyon ng Rizal PNP, nag-overshoot ang minamanehong Ford Pick-up ni Timmy habang binabaybay nila ang highway ng Punta Baja, Rizal. Dahil sa nangyari ang nahulog sa gilid ng daan ang kanilang behikulo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dinala sa Jose P. Rizal District Hospital ang drayber ngunit hindi na ito nakaligtas dahil sa tinamong mga pinsala sa katawan habang si Emilio Cabitac Tibangin ay inilipat ng pagamutan.