8 arestado sa paglabag sa liquor ban sa region 12


KORONADAL CITY- WALONG katao ang naaresto sa Soccsksargen region dahil sa paglabag sa ipinatupad na Liquor Ban noong May 8 at May 9, 2022.

Ayon sa Police Regional Office 12, ang mga violators ay nahuli sa tatlong magkahiwalay na insidente sa Cotabato province at Sultan Kudarat.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ang mga nahuli ay maaaring makulong ng isang taon hanggang anim na taon na walang probation.
Ang liquor ban ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 10746 upang masiguro ang mapayapang eleksyon.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Sa naturang kautusan, ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, pagsisilbi, at pag-alok ng mga nakalalasing na inumin.