Teachers group, tuloy ang panawagan sa OT Pay sa electoral board

Tuloy ang pangangalampag ng Alliance of Concerned Teachers na bigyan ng overtime pay ang mga gurong nagsilbi sa halalan nitong Lunes.

Ayon kay ACT secretary general Raymond Basilio, maraming mga teachers ang higit sa 24 oras na nag-trabaho sa eleksyon bunsod ng mga aberya at pagma-malfunction ng mga vote counting machines.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Giit nito, kung ang ilang mga empleyado nga ay entitled sa overtime pay, gayundin dapat ang mga teachers.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Tila napapasa raw kasi sa mga guro at iba pang poll workers ang pasakit sa mga naging pagkukulang ng COMELEC.

Hanggang sa ngayon aniya, hindi pa rin sinasagot ang kanilang kahilingan.
#