‘Taas-sahod’, sigaw ng grupo ng mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day

Kasabay ng selebrasyon ng Labor day, isinigaw ng Federation of Free Workers (FFW) group ang implementasyon ng P750 national minimum wage.

Ayon kay FFW Vice President for Media Affairs Julius Cainglet dapat maging pantay ang sahod sa iba’t-ibang lugar dahil parehas naman umano ng oras at trabaho ang ginagawa ng mga manggagawa.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Matatandaang ilang labor groups ang nag-file ng petisyon ukol sa minimum wage hike sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng pangunahing produkto.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Samantala, inihayag ni Cainglet na nasa 43 labor leaders ang namatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kung saan ginamit umano ang drug war sa mga ito. || ARGIE ERGINA