Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maaapektuhan ang eleksyon ngayong taon kaugnay sa naudlot na Pilipinas Debates 2022 dahil sa umanoy unpaid debt sa isang hotel na pagdarausahan sana ng naturang debate.
Matatandaang kinansela ang naturang debate dahil sa P14 million na utang ng Comelec sa Sofitel Philippine Plaza na inorganisa ng Impact Hub.

Agad na mang pinaimbestigahan ni Commissioner Rey Bulay ang nasabing isyu kung saan inirekomenda ang ‘temporary relief’ sa mga commissioners na sina James Jimenez and Frances Arabe na umanoy sangkot dito.
Samantala, kinumpirma ni Commissioner George Garcia na anim sa sampung presidentiables ang lalahok sa ipinalit na panel interview habang lima sa siyam na vice-presidentiables ang dadalo sa panayam.
|| ARGIE ERGINA