Ambassador ng UK pinasalamatan ni Zelensky matapos bumalik sa Kyiv

Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang ambassador ng United Kingdom sa pagbabalik nito sa Kyiv city.

Maliban dito, pinasalamatan din ni Zelensky ang iba pang 27 foreign diplomatic missions na kasalukuyang kumikilos sa kanilang capital city dahil pagpapakita ito ng mahalagang suporta sa kanilang bansa.

Sinabi ni Zelensky na ang pagpapakita ng suporta kabilang ang financial at political support ay indikasyon na dapat nang itigil ng Russia ang giyera.

Samantala, pinasalamatan din ni Zelensky ang US Congress dahil sa pagpasa nito ng isang panukala na pagpayag sa kanilang Pangulo na magpahiram o magpaupa ng military equipment sa Ukraine.

Binigyang diin ng Pangulo na malaking tulong para sa kanilang laban sa Russia ang lend-lease program ng America.