‘Health education’ isinusulong para mabakanuhan ang lahat ng mga Bicolano – DOH Bicol

LEGAZPI – Tamang Edukasyon lamang ang paraan upang mahikayat ang mga magulang na bakunahan ang kanilang anak. Ito ang inihayag ni Desiree Bricenio Medical Officer III ng Department of Health (DOH) Bicol.

Ayon kay Bricenio, health education lang ang kailangan upang makombinsi ang mga ito sa pagbabakuna. Maliban pa rito, nagsasagawa na rin ang mga healthcare workers ng ‘house to house’ ng pagbabakuna o community o school based immunization sa mga barangay ang kanilang ginagawa upang mabakunahan ang mga hindi pa nagpapabakuna.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dagdag pa nito, sa pagpasok ng buwan ng Mayo hanggang buwan ng Hunyo ay magsasagawa na ng Nationwide vaccination upang mapataas ang porsyento ng pagbabakuna.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Umaasa ang opisyal, na maabot ng tanggapan ang 95% na bakunahan sa Bicol Region dahil sa ginagawa naman ang paraan at masisipag naman ang mga healthcare workers sa pagbabakuna sa mga barangay.