Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Disyembre 2021 sa 11- milyon batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Subalit sa gitna nito binanggit naman ng SWS na tumaas ang rate ng kawalan ng trabaho sa mga nasa hustong gulang sa lahat ng lugar maliban sa Visayas.

Ayon sa Fourth Quarter 2021 SWS survey, ang kabuuang adult joblessness sa bansa ay bumaba sa 24.7 percent noong Disyembre noong nakaraang taon.
Ito ang “pinakamababang” adult joblessness rate mula noong 17.5 percent na naitala sa parehong panahon noong 2019.
Bahagyang bumaba rin ito mula sa 24.8 porsiyento o 11.9 milyon na naitala noong Setyembre 2021.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interviews sa 1,440 adults na may edad 18 pataas sa buong bansa, o 360 bawat isa sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.