Ire-renew ng city government ang kontrata ng dalawang towing company na dating nag-ooperate sa Olongapo.
Ito ay makaraang maobserbahan ang muling pagdami ng mga motoristang lumalabag sa parking ordinance ng siyudad.
Ayon kay Mayor Lenj Paulino, plinano ng city government na huwag nang irenew ang kontrata pero dahil balik na naman sa iligal at double parking ang maraming sasakyan kaya papayagan ulit na makapag-operate ang mga ito.
Matatandaan, kasunod ng road clearing effort ng national government at kumuha ng kakontratang towing company ang Olongapo para tanggalin ang mga sasakyang wala sa tamang parking area.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
