SORSOGON CITY – Isa pang miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang sumurender sa mga awtoridad sa bayan ng Monreal, Masbate.
Ang naturang dating rebelde na itinago sa pangalang alias ‘James’ ay tumatayong squad supply at political instructor ng Platun 2, Larangan 1, Komite Probinsyal 4 sa ilalim ng pamumuno ni Eliseo cabarles jr alias Kiko at Raymond, commanding officer ng nasabing hukbo na nakatuon ang operasyon sa isla ng Ticao.
Ayon sa ulat, sumurender ang nasabing kasapi ng NPA sa operatiba ng Masbate Police Provl office sa Brgy Poblaciopn sa bayan ng Monreal.

Matatandaan na kamakailan lamang ay kusang loob na sumurender rin ang dalawang aktibong miyembro ng NPA noong nakaraang lingo.
Ang sunud-sunod na pagsurender ng mga kasapi ng New People’s Army sa lalawigan ay isa umanong indikasyon na humihina na ang puwersa ng mga rebeldeng Komunista sa Masbate, ayon sa mga awtoridad.
Sa kasalukuyan, inihahanda nan g mga kinauukulan ang mga karampatang dokumento para sa benepisyo ng Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.