Katiwalang pumatay sa alagang paslit sa Quezon City, posibleng may postpartum depression – PNP

Posibleng dulot ng postpartum depression ang ginawang pagpatay ng isang katiwala sa inaalagaang 2 taong gulang na batang babae sa Quezon City.

Ayon kay Police Brig. Gen. Remus Medina, director ng Quezon City Police District nitong Biyernes, karumaldumal ang pagpatay ng hindi pinangalanang suspek sa bata na anak ng OFW sa Saudi Arabia na kanya ring kaibigan.

Ito ay kanyang inihagis at inihampas sa pader hanggang sa ito ay mapatay.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Giit ni Medina, hindi ito magagawa ng nasa normal na pag-iisip kaya posibleng depress ang suspek.

Dahil dito ay kanila umanong ipapasuri ang babaeng suspek sa mga eskperto para matukoy kung dumaranas siya ng tinatawag na postpartum depression.

Una nang umamin ang suspek na napatay niya ang inaalagaang paslit matapos niya mismo itong isugod sa ospital.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Batay sa report ng awtoridad, puno ng pasa sa likod, braso at hita ang biktima.

Pag-aamin ng suspek, binalibag niya umano ang bata sa pader.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek at nakatakdang kasuhan.

Maituturin na ring close ang kaso matapos na umamin mismo ang suspek.

Samantala, pauwi na ang ina ng bata mula sa Libya.