Mga guro maaaring magbigay ng homework sa mga panahong suspendido ang klase dahil sa nalalapit na eleksyon

Inihayag ng Department of Education na maaaring magbigay ng homework ang mga guro sa panahong suspendido ang klase mula Mayo 2 hanggang 13 upang bigyang daan mga aktibidad na may kaugnayan sa Halalan 2022.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo, ito ay upang magpatuloy pa rin ang pag- aaral ng mga estudyanye sa mga araw na suspendido ang klase.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Payo ni Guemo sa mga estudyante na ipagpatuloy pa rin ang learning activities pero walang face-to-face classes at distance learning.

Mainam din kasi aniya na mag- advance reading ang mga bata at gawing pagkakataon ang mga araw na walang pasok sa eskwela para gawin ang takdang aralin sakaling magbigay nito ang mga guro.

Ang suspensyon ng klase ay upang ilaan ang mga nasabing araw para sa National Election-related activities ng mga guro at kawani ng DepEd.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, magsusumite naman ang Division Office ng datos hinggil sa mga gurong magsisilbi sa halalan dahil hinihingi ito ng central office.

Magsisimula ang election related duties ng mga guro pagdating ng mga Vote Counting Machine sa Mayo 2.

Gagawin naman ang final testing and sealing ng mga VCM kinabukasan.