Comelec, may babala sa mga lalabag sa ipapatupad na Liquor ban simula Mayo 8

Nagbabala ang Commission on Elections sa mga mahuhuling lalabag sa liquor ban na ipapatupad simula Mayo 8 at sa araw ng Halalan Mayo 9, 2022.

Sa harap ito ng mga sunod- sunod na fiesta celebration sa susunod na buwan.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng Electoral Board at ng mga Punong Barangay sa bayan ng Basud kahapon, sinabi Municipal Election Officer Virgilio Veras na ang pagbebenta at pag inom ng alak sa mga nabanggit na petsa ay isang election offense.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya, maaaring makulong ang sinumang mahuhuli ng hindi lalagpas sa anim na taon at hindi naman bababa sa isang taon.

Kaya paalala ni Veras na huwag nang uminom ng alak sa mga nabanggit na petsa.

Nakapaloob ang liquor ban sa Comelec Resolution10746 na inilabas noong December 2021.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ilalim nito ay mapaparusahan ang mahuhuling indibidwal o may-ari ng mga establisiyimento na magbebenta, bibili, maghahain o kaya ay iinom ng alak.

Ang mga establisyimento namang duly certified ng Department of Tourism ay maaaring mag- apply ng exemption pero tanging mga dayuhang turista lamang ang papayagang uminom.

May kapangyarihan naman ang Comelec na bawiin ang naturang exemption anumang oras kapag nakatanggap sila ng makatwirang reklamo laban sa establisyimento.