Palasyo: Pagpapatuloy sa foreign policy ni Duterte, bahala na ang next admin

Ipinapaubaya ng Malacañang sa susunod na administrasyon kung ipagpapatuloy o hindi ang independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos matanong kung ikinokonsidera ba ng punong ehekutibo na hikayatin ang kanyang successor na ipagpatuloy ang kanyang foreign policy.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Mababatid na laging isinusulong ni Duterte ang independent policy na inilarawan bilang “friends to all and enemies to none.”

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Simula naman nang maupo ito noong 2016, naging bukas na kritiko na ang pangulo ng United States habang personal na pinapayagan na maging malapit na kaalyado ng China, sa kabila ng isyu sa West Philippine Sea.