NBI, magdedeploy ng 20-man disaster identification team sa Leyte

Magpapadala ang National Bureau of Investigation (NBI) ng disaster identification team sa Baybay City at Abuyog, Leyte, ang dalawang mga lugar na labis na tinamaan ng tropical cyclone Agaton.

Ito umano ay para makatulong na matukoy ang mga bangkay na narekober mula sa putik kasunod ng landslide na ikinasawi ng mahigit 170 katao.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Nabatid na sa ngayon, mayroon pang 176 na mga residente ang hindi pa mahanap.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ang 20-man disaster identification team ay binubuo ng medico legal officers, doctors, at forensic experts.

Maliban sa identification, ang team ang magiging responsable para sa pagproseso ng cadaver ng mga biktima. //MHEL PACIA-TRINIDAD