DA: Bird flu cases sa PH, 77 na

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na may 77 kaso na ng bird flu sa bansa, kung saan lima sa mga ito ang active.

Ayon kay DA Usec. Ariel Cayanan, na batay sa pananaliksik ng mga dalubhasa sa Bureau of Animal Industry, ang possible source ng infection ay ang pagkakaroon ng presensiya ng migratory birds.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Paliwanag nito na sa panahon umano ng cold season, ang infected migratory birds ay nakakapagpakalat ng bird-flu virus sa mga pogo, pato, at manok.

Ang naturang bird flu ay kasalukuyang nakakaapekto sa mga lugar sa Luzon at Mindanao, kabilang na sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan, Laguna, Camarines Sur, Sultan Kudarat, Benguet, North Cotabato, at Davao del Sur.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa gitna nito, hinimok ng ahensya ng mga affected owners na i- report ang posibleng mga kaso at tumanggap ng indemnification para sa kanilang kalugian, na P100 para sa mga at pato bawat isa at P15 per head para sa mga pogo. //MHEL PACIA-TRINIDAD