Tuloy ang apela ng mga health officials na palakasin pa ang vaccination rate sa bansa lalo na sa mga lugar na konti pa lamang ang mga nagpapabakuna.
Ito ang naging panawagan ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav kasunod ng babala ng Department of Health na posibleng lumobong muli ang bilang ng mga COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sinegundahan ni Dr. Yadav ang naging tantsa ng DoH na maaaring sumipa ng hanggan 60,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa susunod na buwan.

Ito ay sa kadahilanang bumaba ng 50% ang pagsunod ng mga taga-Metro Manila sa minimum public health standards.
Sa modelong pinagbabasehan ng mga otoridad, kahit na 20% lamang ang ibaba ng compliance ng publiko sa health protocols ay maaari pang umakyat sa 34,788 ang mga aktibong kaso ng COVID-19.