Zelensky: Pondo para sa giyera vs Russia, malaki pa ang kulang

Pinuri ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na malaking tulong ang inaprubahan ni US President Joe Biden na $800 million, bilang karagdagang pondo para sa mga bago at mas advanced na mga armas.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Zelensky na malaki pa ang kakailanganin nila.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Binigyang diin rin ng presidente na ang mas mahalagang factor ngayon ay mapabilis ang pagkuha sa mga armas na kakailanganin ng Ukrainian forces.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Itinanggi naman nito ang ilang mga concerns ng US at iba pang bansa na ang mga sundalo ng Ukraine ay hindi nasanay sa pag-gamit ng ilang weapons na hinihiling ng bansa.

Giit ni Zelensky, handa silang gumamit ng anumang klase ng equipment. //MHEL PACIA-TRINIDAD