Nanindigan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kailanman hindi nila isusuko ang kanilang teritoryo sa eastern part ng bansa, at tatapusin ang giyera laban sa Russia.
Kaugnay nito, handa na ang militar ng Ukraine na lumaban sa militar ng Moscow sa Donbas region, na isang battle umano na maaring maka-impluwensya sa takbo ng buong giyera.
Sa panayam ng CNN kay Zelensky, sinabi nitong walang garantiya ang kanyang bansa na hindi na susubukan ng Russia na sakupin ang Kyiv, sakaling makuha nila ang Donbas.

Giit pa ng presidente, wala na umano siyang tiwala sa Russian military at sa liderato ng Russia, kaya mahalaga umanong panindigan nila ang kanilang ipinaglalaban ngayon. //MHEL PACIA-TRINIDAD