Engaged na sina Maja Salvador at non-showbiz boyfriend niyang si Rambo Nuñez Ortega.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Maja ang naturang bagong yugto sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.
Makikita dito ang mga larawan sa nangyaring engagement nila at ipisilip rin ang kaniyang engagement ring.

Sa naturang mga larawan, may caption ang aktres na “My new beginning,” habang sa post naman ni Rambo sinabi nitong “the best part is yet to come.”
Samantala, inulan ng pagbati ang dalawa mula sa mga celebrity.