Bicol region, nagtala lamang ng 5 bagong kaso ng covid-19 nitong Semana Santa

BICOL – UMABOT lamang sa lima ang bilang ng mga bagong kaso ng covid-19 na naitala sa rehiyon sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa.

Base sa ipinalabas na weekly bulletin ng Department of Health o DOH-Bicol mula April 10 – 16, 2022, nagkapagtala ng 3 bagong kaso ang lungsod ng Naga habang mayroon 2 ang islang probinsya ng Catanduanes.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Katumbas ito ng .71% o less than 1 na average case para sa nasabing linggo at wala rin umanong severe o critical case sa mga bagong kasong naitala.

Bunsod nito, pumapalo na sa 59,048 ang cumulative cases ng covid-19 sa Bicol.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, nakapagrehistro rin ng 4 na bagong nakarekober na pawang nagmula sa Camarines Sur daan para umakyat sa 56,044 ang total recoveries habang wala namang naitala na bagong pagkasawi sa sakit kung kaya’t nakapako ngayon sa 2419 (4.10%) ang total covid-19 fatalities sa rehiyon.