FDA, OK 2nd booster shot para sa senior citizens, immunocompromised, health workers

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa ikalawang booster shot sa mga senior citizens, immunocompromised, at frontline health workers.

Ayon sa DOH, ang second booster dose ay ibibigay apat na buwan matapos ang unang booster dose.

Una na ring sinabi ng ahensya na hiniling narin nila sa FDA na amyendahan ang EUA para payagan ang fourth dose para sa mga batang may edad 12 hanggang 17-taong gulang.

Samantala, batay sa datos ng DOH nakapagturok na ang bansa ng 142.236 million doses as of March 30, 2022.
Ito ay kinabibilangan ng 64.332 million na nakatanggap ng kanilang first dose, 65.885 million na nakatanggap ng complete dose, at 12.018 million na nakatanggap ng booster dose. //MHEL PACIA-TRINIDAD