Mga apektadong indibidwal re: Agaton, sumipa pa sa higit 2-M

Sumipa pa ang kabuoang bilang ng mga apektado ng Agaton sa 2,015,643 indibidwal o 583,994 pamilya mula sa 2,419 barangays sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Ayon sa NDRRMC, may 207,572 displaced individuals o 58,492 families ang nananatili pa sa mga evacuation centers, habang 188,348 displaced individuals o 110,741families ang nananatili sa labas ng evacuation centers.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ayon sa ahensya, nakapagpalabas na ang ahensya ng P48.5 million na halaga ng family food packs, hygiene kits, medical items, at iba pang relief goods na ibinigay sa mga apektadong kumunidad.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Samantala, ang mga volunteers naman na gustong tumulong sa relief operations ay maaring direktang makipagtulungan sa NDRRMC o local government units.

Kabilang naman sa mga kinakailangan ng mga apektadong kababayan ay pagkain, tubig, mga kumot, at mga kagamitang pang-kalinisan. //MHEL PACIA-TRINIDAD