Death toll dahil sa Agaton, tumaas pa sa 172 —NDRRMC

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng tropical cyclone Agaton sa 172.

Ayon sa NDRRMC, 156 sa mga nasawi ay napaulat sa Eastern Visayas, 11 sa Western Visayas, at tatlo naman sa Davao Region, habang dalawa sa Central Visayas.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa gitna nito, may 110 pang indibidwal na napaulat na nawawala kung saan 104 ay mula sa Eastern Visayas, lima mula sa Western Visayas, at isa naman mula sa Davao Region.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Samantala, may walo na napaulat na sugatan kung saan apat ang naitala sa Soccsksargen, dalawa mula sa Northern Mindanao, at tig isa naman sa Central Visayas at Davao Region. //MHEL PACIA-TRINIDAD