LTO, may 12M motorcycle plates pa na kailangan maproduce

Umaasa ang Land Transportation Office (LTO) na makakakuha ng karagdagang pondo, dahil kailangan pa nila na ma-produce ang 12 million na motorcycle plates, para matugunan na ang backlog.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Sa gitna nito, muling binigyang diin ni LTO Chief Asec. Edgar Galvante na kailangang ma-manufacture ang mahigit 18 milyon na motorcycle plates hanggangs a Hunyo nitong taon.

Sa ngayon, nasa 6 million plates palang umano ang kanilang nagagawa.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Sinabi ni Galvante na iminungkahi nila sa Department of Budget and Management na ikonsidera nilang isama ang nasa P2.6 billion para magawa na ang backlog sa plates.