Inihayag ng inter-agency task force on COVID-19 na hinihitay nila ang “solid recommendation” sa posibleng pagtakda ng expiration dates para sa mga vaccination cards.
Una nang sinabi ni Interior Undersecretary Epimaco Densing na target ng gobyerno na maglagay ng expiration sa vaccination cards, para mahikayat ang mas marami pang tao na magpa-booster shots.
Samantala, sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na malaki ang posibilidad na ang election campaigns ang magdulot ng spike sa mga kaso ng COVID-19.

Dahil dito, naniniwala si Duque na ito ang best time para sa publiko na magpabakuna, habang maluwag pa umano ang mga vaccination centers at marami pa ang suplay, libre, de kalidad, at ligtas.
Payo ng kalihim, huwag nang hintayin ng mga tao na pagkaroon ng panibagong surge at magsisiksikan sa mga vaccination centers.