Posibleng paglaganap ng skin disease sa city jail facilities ngayong tag-init, pinaghahandaan ng BJMP Bicol

LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol ang posibleng paglaganap ng mga skin disease na maaaring maranasan ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa loob ng jail facility ngayong nagsimula na ang summer season.

Ayon kay Ruth Castro, BJMP Jail Officer II, may nakatalagang doktor at nars sa jail facilities na siyang nangangasiwa ng health condition ng mga PDL, kung saan sa oras na makitaan ng sinyales ng skin disease ang mga ito, agad itong ipagbibigay-alam sa supervisor ng facilitiy.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Aniya, may mga existing partnership ang kanilang himpilan sa mga city health offices ng mga lokal na pamahalaan at kung magkaproblema man ay maaaring idulog ang mga PDL sa pinakamalapit na Regional Health Unit o RHU.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, maliban sa skin disease, madalas ding nararanasan ng mga PDL ang pagsakit ng ngipin, ulo at maging ang hypertension.

Base sa datos ng nasabing himpilan, mas marami ang naitalang PDL na nagkasakit noong 2021 kaysa taong 2020, ngunit hindi naman ito mga major health complaint.